Ayon kay Atty. Evalyn Ursua, katarungan ang nais ng biktimang si Irish, 16, education student matapos umanong pagsamantalahan ng mga akusadong sina Gil Anthony Calianga, ama nitong si Arturo at isa pang akusado.
Kasong kidnapping, rape, serious illegal detention, child abuse at grave coercion ang isinampa ng biktima laban sa tatlo at kasalukuyang dinidinig sa Muntinlupa City RTC.
Nabatid na maimpluwensiya ang pamilya ng mga akusado sa Muntinlupa kung kayat posibleng mabasura ang kaso.
Subalit ayon naman sa korte, tinitiyak nila na magiging patas ang pagdinig sa kaso upang mabigyan ng katarungan ang totoong biktima.
Base sa record ng korte, si Irish ay ginahasa ng mga akusado noong Disyembre 2001 subalit nakatakas at noong Disyembre 2003 ay muli itong kinidnap at pinagsamantalan hanggang sa mailigtas ng mga tauhan ng NBI. (Lordeth Bonilla)