^

Metro

Pamilya ng rape at kidnap victim, nangangamba

-
Nagpahayag ng pangamba ang pamilya ng isang estudyante mula sa Assumption College na biktima ng pagdukot at panggagahasa na magkaroon ng whitewash sa kasong isinampa nila laban sa tatlong miyembro ng Mormon Church.

Ayon kay Atty. Evalyn Ursua, katarungan ang nais ng biktimang si Irish, 16, education student matapos umanong pagsamantalahan ng mga akusadong sina Gil Anthony Calianga, ama nitong si Arturo at isa pang akusado.

Kasong kidnapping, rape, serious illegal detention, child abuse at grave coercion ang isinampa ng biktima laban sa tatlo at kasalukuyang dinidinig sa Muntinlupa City RTC.

Nabatid na maimpluwensiya ang pamilya ng mga akusado sa Muntinlupa kung kaya’t posibleng mabasura ang kaso.

Subalit ayon naman sa korte, tinitiyak nila na magiging patas ang pagdinig sa kaso upang mabigyan ng katarungan ang totoong biktima.

Base sa record ng korte, si Irish ay ginahasa ng mga akusado noong Disyembre 2001 subalit nakatakas at noong Disyembre 2003 ay muli itong kinidnap at pinagsamantalan hanggang sa mailigtas ng mga tauhan ng NBI. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARTURO

ASSUMPTION COLLEGE

AYON

DISYEMBRE

EVALYN URSUA

GIL ANTHONY CALIANGA

KASONG

LORDETH BONILLA

MORMON CHURCH

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with