3 bagets nangholdap gamit ang toy gun
December 4, 2005 | 12:00am
Tatlong menor de edad na lalaki ang nadakip ng pulisya makaraang mangholdap gamit ang replica ng kalibre .357 o toy gun, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Itinago sa pangalang Emmanuel, 13, Ryan at Simon kapwa, 15, ang mga suspect na pawang naninirahan sa Pasay City.
Nakilala naman ang kanilang nabiktima na si Rodolfo Alorday, 27, binata, program assistant ng 2029 A. Francisco St., San Andres Bukid, Manila.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling- araw sa panulukan ng Gil. Puyat Avenue at Roxas Boulevard sa Pasay City.
Nabatid na habang naghihintay ng masasakyang taxi ang biktima ay bigla itong nilapitan ng mga suspect at binunot ang isang baril at patalim at saka nagdeklara ng holdap.
Sa takot ng biktima, ibinigay niya ang kanyang mga suot na alahas at cellphone at cash na P6,500.
Matapos ang insidente ay agad na nagsumbong sa pulisya ang biktima na nagsagawa naman agad ng follow-up operation kung saan nadakip ang tatlong suspect.
Nasamsam sa mga ito ang ginamit na baril na nadiskubreng isa lamang toy gun. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 28, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am