^

Metro

Lolo inatado ng kapwa lolo

-
Labing-isang saksak sa katawan ang tinamo ng isang lolo matapos na makipagtalo sa kanyang kumpare dahil lamang sa katulong kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa United Doctors Medical Center ang biktimang si Edgar Diego, 61, ng Village East Subdivision, Cainta, Rizal habang nakakulong naman ang suspect na si Gaudencio Lorilla, 60, ng 51-C E. Rodriguez Blvd., Doña Josefa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID), naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa Kambingan Videoke Bar sa 51-A E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Nabatid na lumayas ang katulong ng suspect noong Huwebes ng gabi at inakala nito na nagpunta naman sa bahay ng biktima. Minabuti ng suspect na puntahan sa nasabing videoke bar ang biktima kung saan agad itong kinompronta ng una na humantong sa mainitang pagtatalo.

Naging matigas naman ang biktima sa pagtanggi na hindi niya alam kung nasaan ang katulong ng suspect. Dahil dito, agad namang bumunot ng patalim ang suspect at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima nang paulit-ulit.

Inihahanda naman ang kasong murder laban sa suspect habang nakakulong sa QCPD-CID. (Doris Franche)

vuukle comment

A E

C E

DORIS FRANCHE

EDGAR DIEGO

GAUDENCIO LORILLA

KAMBINGAN VIDEOKE BAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

RODRIGUEZ AVE

RODRIGUEZ BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with