^

Metro

Barikada sa Malacañang binaklas

-
Matapos ang ilang buwang mistulang militarisasyon, binuksan na sa publiko at trapiko ang Gate 7 ng Palasyo ng Malacañang at ang Mendiola upang mapaglingkuran umano ang publiko ngayong Kapaskuhan.

Nanguna sina Brig. General Delfin Bangit, commander ng Presidential Security Group at Manila Police District director, C/Supt. Pedro Bulaong ang pagbabaklas kahapon ng umaga sa mga nakaharang na barbed wire sa kalsada at sa gate ng Palasyo.

Gagawing kapaki-pakinabang pa umano ang naturang mga barbed wire na bubuuin nila para maging mga Christmas tree.

Bukod sa Mendiola, tatanggalin na rin ang mga barikada sa JP Laurel St., Solano, Padilla at Arlegui streets.

Sa kabila nito, patuloy pa rin naman ang pagbabawal ng pagsasagawa ng kilos-protesta sa naturang lugar. Mas magpapatupad ng seguridad ngayon ang PSG at MPD sa paglalatag ng bagong traffic routine scheme habang magsasagawa ng mahigpit na routine check at inspeksyon sa mga publiko at mga sasakyan sa naturang lugar. (Danilo Garcia)

ARLEGUI

BUKOD

DANILO GARCIA

GENERAL DELFIN BANGIT

LAUREL ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MENDIOLA

PALASYO

PEDRO BULAONG

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with