^

Metro

Anak ng nasawing ginang, negatibo sa meningo

-
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na negatibo sa sakit na meningococcemia ang anak ng isang ginang na namatay sa nabanggit na sakit sa Pasay City General Hospital, kamakailan.

Ayon kay DOH-National Epidemiologist Center chief Dr. Luningning Villa, ito’y matapos na hindi na umano magpatuloy o tumaas pa ang lagnat nito batay na rin sa mahigpit na obserbasyon at pagbabantay na ginagawa ng mga eksperto rito.

Iginiit nito na bunsod na rin sa patuloy na pag-ayos ng kondisyon ng anak ng namatay na biktima, hindi na rin kinailangan pang dalhin ito sa Research Institute for Tropical Medicine upang sumailalim sa laboratory test.

Samantala, nanawagan naman ang nasabing opisyal ng DOH sa mga ka-barangay ng namatay na biktima na huwag pandirihan at pangilagan ang mga miyembro ng pamilyang naiwan nito dahil hindi naman kumakalat ang sakit na meningo sa hangin.

Maaari lamang umanong makahawa ang sakit na ito kung may close contact sa isang taong may sakit.

Bunsod nito kaya’t nanawagan si Villa sa publiko na huwag matakot kapag mayroong nabalitaang kaso ng meningo dahil sa ito ay sporadic cases lamang o manaka-naka at wala ring outbreak sa bansa.

Samantala, pinabulaanan naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na inirekomenda niya ang pag-quarantine sa isang village sa Malapatan Saranggani Province matapos na mamatay ang isang 5-anyos na batang lalaki dahil sa meningo. (Gemma Amargo-Garcia)

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LUNINGNING VILLA

GEMMA AMARGO-GARCIA

MALAPATAN SARANGGANI PROVINCE

NATIONAL EPIDEMIOLOGIST CENTER

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RESEARCH INSTITUTE

SAMANTALA

SECRETARY FRANCISCO DUQUE

TROPICAL MEDICINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with