Dalaga tumalon sa gusali
December 2, 2005 | 12:00am
Kinasihan ng suwerte ang isang dalagang Tsinoy matapos na makaligtas sa tiyak na kamatayan nang tumalon sa terrace ng tinutuluyang gusali ngunit bumagsak sa lona ng isang owner-type jeep, sa Tondo, Maynila.
Isinugod sa Metropolitan Manila Hospital ang biktimang nakilalang si Arnelia Kau, 24, residente ng Room 2 ng Cathay Mansion, Mayhaligue, Tondo.
Sa ulat ng MPD-Station 2, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa ikalawang palapag ng tinutuluyang gusali.
Ayon sa imbestigasyon, may problema na umano sa pag-iisip ang biktima at ikinukulong ng mga kapamilya sa loob ng kuwarto upang hindi makalabas at hindi maligaw.
Muling ikinandado sa loob ng kuwarto ng kapatid nitong lalaki na nangangalaga sa kanya nang umalis ng bahay upang dalawin ang kanilang ama na nakakulong sa istasyon ng pulisya sa hindi nabatid na kaso.
Ngunit nakagawa ng paraan ang biktima nang tumalon ito buhat sa ikalawang palapag ng gusali para makatakas. Sa pagbagsak nito, sumabit muna ang katawan nito sa isang kable ng kuryente kaya napigil ang pagbulusok nito bago bumagsak sa bubungang lona ng nakaparadang owner-type jeep.
Nabatid na nagawa pa umanong makatayo ng biktima bago ito isinugod sa pagamutan. Ayon sa mga manggagamot, nagtamo lamang ng ilang galos ang katawan ng biktima.
Nakatakda pa rin namang isailalim sa mas masusing pagsusuri ang dalagang Tsinoy upang mabatid kung may iba pang mas malalang injury sa katawan o buto nito bunga ng kanyang pagbagsak. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended