Ang suspect ay iprinisinta kahapon sa mediamen kasama ang dalawang kidnaper na sina Jose Maglanque, 38; at Jimmy Altoberos na nadakip naman kasabay ng pagkakaligtas sa 13-anyos na biktimang Filipino-Chinese na si Paige Yu sa rescue operation sa Lubao, Pampanga noon pang Nobyembre 16.
Ayon sa ulat, ang suspect ay kasapi ng notoryus na "Waray-Waray KFRG" at ika-apat sa talaan ng most wanted kidnappers sa buong bansa na may patong sa ulo na P1 milyon.
Nadakip ang suspect sa bisinidad ng Robinsons Fairview dakong alas-7:15 ng gabi.
Ang suspect ay dinakip ng mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) na nasa ilalim ng superbisyon ng NAKTAF sa bias ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Vivencio Baclig ng Regional Trial Court (RTC) Branch 76, Quezon City.
Inihayag naman ni Lomibao na ang suspect ay sangkot sa 11 serye ng KFR sa Metro Manila at mga kanugnog lalawigan na bumibiktima sa mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese.
Pinakakontrobersiyal dito ay ang kidnap-slay ni Chua-Sy, 31, noong Nobyembre 17, 2003 sa Quezon City. Ang bangkay ni Sy ay natagpuan kinabukasan na nakabalot sa plastic ng basura at itinapon sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Parañaque City.
Kabilang pa sa dinukot ng grupo ng suspect ay ang mga prominenteng personalidad na sina Victor Castañeda, Dr. Patrick Padilla, Dr. Margaret Dy, San Ik Jang, Alfred Chan, Franklin Ongsitco, Jose Naga; pawing noong 2003 at noong 2002 ay ang KFR naman sa mga biktimang sina Dr. Sudan Nodado, Imelda Bengson, Antonio Tan at Augusto Tony Manikis.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa imbestigasyon ng PACER sa Camp Crame ang nasakoteng most wanted. (Joy Cantos)