^

Metro

Sanggol pinanganak na labas ang utak

-
Isang sanggol na babae na nakalabas ang utak dahil walang bungo ang ulo nito ang isinilang sa isang lying-in clinic kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Napag-alaman na dakong alas-8 ng gabi nang isugod sa Manalo Mendoza Lying-In Clinic na matatagpuan sa 35 Lakandula St., Brgy. Parang ng lungsod na ito ang pasyenteng si Melanie Dayno, 24, residente ng Lourdes St., St. Mary’s Subd., ng nasabing barangay.

Makalipas ang isa at kalahating oras ay iniluwal ang sanggol na babae subalit laking gulat ni Evelyn Mendoza, midwife ng nasabing lying-in clinic nang lumabas ang sanggol na nakalabas ang utak dahil wala itong bungo sa ulo.

Dahil sa kakaibang hitsura ng sanggol ay hindi rin tumagal ang buhay nito at pumanaw din makalipas ang anim na oras.

Sa panayam kay Mendoza, sinabi nitong posible umanong nagkaroon ng sakit ang ina ng sanggol noong ito ay nasa isa hanggang tatlong buwan pa lamang na pagbubuntis kung saan ito ang pinaka-kritikal na estado ng pagbubuntis.

Inamin din ni Dayno na hindi siya nakapag-pre-natal habang ipinagbubuntis ang sanggol.

Samantala, ligtas naman si Dayno at pinauwi rin ito nang makapagpahinga ng ilang oras sa klinika. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

DAYNO

EDWIN BALASA

EVELYN MENDOZA

LAKANDULA ST.

LOURDES ST.

MANALO MENDOZA LYING-IN CLINIC

MARIKINA CITY

MELANIE DAYNO

ST. MARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with