^

Metro

Mister kinatay ni misis

-
Tinapos ng isang misis ang buhay ng kanyang mister sa pamamagitan nang pagsaksak dito ng gunting dahil na rin umano sa sobrang hirap at pananakit na kanyang dinadanas sa huli, kamakalawa ng gabi sa Batasan Hills, Quezon City.

Hindi na nagawang maisalba pa ang buhay ng biktimang si Clemente Ablaza, 48, ng No. 3 Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills, ng nabanggit na lungsod nang isugod sa FEU Hospital sanhi ng tinamong limang saksak ng gunting sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman kinakitaan ng anumang pagsisisi sa kanyang nagawa ang suspect na si Hilda Ablaza, 51, nang dakpin ng mga awtoridad.

Napag-alaman kay PO3 Joseph Diño, dakong alas-10 ng gabi ng maganap ang krimen matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa pinapasukang patahian ng babae sa Litex Road, Commonwealth, ng nabanggit na siyudad.

Dala ang dos por dos na kahoy, walang patumanggang pinagmumura ni mister si misis sa harap ng maraming tao. Nang akmang hahatawin ng kahoy at sasaktan ni mister si misis agad na kinuha ng huli ang gamit niyang gunting at inunahang saksakin ang asawa.

Sa pulisya, sinabi ng misis na punung-puno na siya sa kanyang asawa dahil sa lagi siyang sinasaktan at ipinahihiya nito kaya nagdilim na ang kanyang paningin at nasaksak niya ang asawa.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa kaso. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

BATASAN HILLS

BRGY

CLEMENTE ABLAZA

DALA

HILDA ABLAZA

JOSEPH DI

KALAYAAN ST.

LITEX ROAD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with