Lalaki iniwan ng misis, tinangkang silaban ang sarili
November 30, 2005 | 12:00am
Isang 27-anyos na lalaki ang nagtangkang magpakamatay nang buhusan nito ang buong katawan ng gasolina at saka tinangkang silaban makaraang iwanan ng kanyang misis kasama ang apat na buwang gulang na anak, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Bagamat nailigtas sa tiyak na kamatayan, nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong alarm scandal ang suspect na si Reynaldo Villanueva. ng 35 Tripa de Galina St., Pasay City.
Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9 hanggang alas-11 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Nadiskubre ng suspect na iniwan ito ng kanyang misis na nakilalang si Gina Tan kasama ang kanilang sanggol makaraang bawiin ng kanyang biyenan.
Hindi nakayanan ng lalaki ang kalungkutan kung kayat tinangka nitong wakasan ang buhay. Kumuha ito ng gasolina na ipinaligo sa buong katawan, tangka na nitong silaban ang katawan ng makaresponde agad ang mga pulis.
Hindi pa agad naawat si Villanueva na hinostage ang sarili at tinakot ang mga pulis na kapag lumapit ay tuluyan niyang sisilaban ang sarili.
Subalit makalipas ang ilang oras na negosasyon ay napahinuhod din si Villanueva na sumuko sa pulisya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am