Kotong police sa checkpoints, binalaan
November 30, 2005 | 12:00am
Nagbabala si Manila Mayor Lito Atienza na ipasisibak niya sa puwesto ang sinumang miyembro ng Manila Police District (MPD) kapag hindi inihinto ng mga ito ang kanilang pangongotong, habang nagsasagawa ng kanilang checkpoints sa Ongpin Circle sa Sta. Cruz, Manila.
Ang babala ng alkalde ay bunsod sa reklamo ng mga motorista, karamihan ay mga taxi at jeepney drivers na pumapasada sa Ongpin Circle malapit sa Gandara police community precincts.
Inatasan na rin ni Atienza si MPD Director Pedro Bulaong na magsagawa ng imbestigasyon sa umanoy illegal na operasyon ng kanyang mga tauhan.
Base sa reklamo ng mga driver, isang pulis na nakatalaga sa naturang istasyon na nakasuot sibilyan ang sapilitang nanghihingi ng halagang P20 hanggang P50 sa mga motorista habang nagsasagawa ng checkpont.
Ang naturang mga kagawad ng MPD ay nagsasagawa umano ng checkpoints sa mga oras ng ala-1 ng madaling-araw subalit lumabalas na ginagamit lamang ito upang makapangotong ang mga ito hanggang mag-umaga.
Nagreklamo na rin ang mga taxi driver sa City Hall at sinasabing pinapara sila ng mga "kotong" pulis kasabay na pag-iinspeksiyon sa loob ng kanilang mga sasakyan at kapag nakitang hindi sila naka-seat belt o nakasuot ng uniporme ay sapilitang kinukumpiska ang kanilang mga lisensiya kapag hindi sila nagbigay ng halagang hinihingi ng mga ito.
Pinaiimbestigahan din ni Atienza kay Bulaong ang legalidad ng isinasagawang checkpoint ng kanyang mga tauhan at kapag napatunayang totoo ang bintang sa mga operatiba ng Gandara police precincts ay kailangang managot sa batas. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended