1 umanoy miyembro ng Valle Verde Guwaping, sumuko
November 30, 2005 | 12:00am
Matapos na masangkot ang pangalan sa carjacking activities, sumuko kahapon si Jay-jay delos Santos, anak ng may-ari ng Delos Santos Hospital kay Interior and Local Govt. Secretary Angelo Reyes.
Ayon kay Reyes, voluntary submission ang ginawa ni delos Santos upang linisin ang kanyang pangalan na isinangkot kamakailan ni Patrick Tuzon sa operasyon ng carjack.
Si Tuzon ay unang nadakip ng mga tauhan ng Traffic Management Group sa isang buy-bust operation noong Nobyembre 18 sa Narra St., Vista Real Subdivision, Fairview, Quezon City.
Sinabi ni Delos Santos na wala siyang kinalaman sa pag-carjack sa Nissan Patrol ng TV host na si Iya Villania noong Nobyembre 6 sa Sgt. Esguerra St. sa Quezon City. Magugunitang sapilitang tinangay ng mga armadong kalalakihan ang sasakyan nito.
Itinanggi rin ni delos Santos na financier siya ng mga ilegal na operasyon nina Tuzon bagamat inamin nito kamakailan na kilala niya ang isa sa mga napatay na si Anton Cu-Unjieng, isa sa tatlong pinaghihinalaang carjacker na napatay ng mga tauhan ng TMG sa Ortigas, Pasig noong nakalipas na Nobyembre 7.
Napatay din sa kontrobersiyal na engkuwentro sina Brian Dulay at Francis Manzano.
Ang mga ito ayon kay TMG director Chief Supt. Augusto Angcanan ay pawang miyembro ng "Valle Verde Guwaping gang" na responsable sa serye ng carnapping at carjacking sa ilang lugar sa Metro Manila.
Samantala, sinabi naman ni Quezon City police District (QCPD) director Chief Supt. Nicasio Radovan na pinaiigting pa rin nila ang kanilang kampanya laban sa mga carjacker bagamat may ilang insidente pa rin ang nagaganap sa lungsod.
Hindi umano sila titigil sa pagtugis sa mga pinaghihinalaang miyembro ng carnapping syndicate hanggat hindi natitigil ang kanilang operasyon. Iginiit din nila na pabigatin ang parusa sa mga sangkot dito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest