2 sekyu arestado; dalaga sugatan
November 27, 2005 | 12:00am
Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng QCPD-Baler Police Station laban sa dalawang security guard na nakabaril sa isang babae kahapon ng umaga sa Brgy. Bagong Pag-asa, Sitio San Roque II, Quezon City.
Ayon kay Supt. Raul Petrasanta, kinukuwestiyon nila ngayon sina Eduardo Arevalo, 32, at Reynaldo Co, 33, kapwa guwardiya ng Central Terminal ng MRT habang ginagamot naman sa ospital ang biktimang si Caroline Villar, 25, ng #91 Libra St. ng nabanggit na barangay. Dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Central Terminal sa EDSA. Nakatayo ang biktima nang biglang pumutok ang baril ng isa sa mga suspect.
Sinabi ni Petrasanta na inaalam pa nila kung paano pumutok ang shotgun at kung sino ang nagmamay-ari nito. Nakuha ng pulisya ang isang 12-gauge shotgun, basyo ng 12-gauge shotgun at dalawang live ammunition ng shotgun. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended