5 holdaper, timbog sa QC
November 27, 2005 | 12:00am
Tatlong kaso ang isinampa ng Quezon City Police District-Cubao Police Station laban sa limang holdaper ng isang FX taxi matapos na naaresto kamakalawa sa Quezon City.
Mga kasong robbery/hold-up, illegal possession of firearms and ammunitions at concealing deadly weapon ang ikinaso kina Marlon Melendres, 31, tricycle driver; Leonardo Perez, 30; Jessie Lampasan, 29, vendor; Rolly Villamor,38, driver; pawang mga residente ng Cogeo, Antipolo City at Bernardo Tutor, 31, driver kapwa residente ng no. 0642, 2nd Ave. Caloocan City.
Ayon kay Supt. Bernabe Balba, hepe ng pulisya, dakong alas 12:15 ng hapon nang holdapin ng mga suspect ang isang FX taxi na may plakang PYC-549 sa panulukan ng Imperial at New York Sts. Brgy. E.Rodriguez, Cubao. Armado ang mga ito ng baril at patalim.
Agad na nagsumbong sa pulisya ang limang biktima hanggang sa isagawa ang follow-up operation dakong alas 6 ng gabi.
Bagamat nagkaroon ng habulan mabilis ding nadakip ng mga pulis na sina PO3 David, PO2 Butch Ragindin at PO1 Gabis ang mga suspect kasabay ng pagkakakumpiska ng mga baril at patalim ng mga ito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended