6 vintage bomb nahukay
November 27, 2005 | 12:00am
Anim na piraso ng vintage bomb ang nahukay ng mga construction worker sa isang bangketa kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dakong alas-11:15 ng umaga nang madiskubre ang bomba sa harap ng bahay sa no.10 Granada St. Brgy. Valencia kung kayat agad na nilagyan ng "police line" ang lugar upang hindi lapitan ng mga residente.
Sa pahayag ng laborer na si Waldo Perez, 39, ng Bernardo Park, Kamuning, una niyang nakita ang isang lumang bomba sa lugar.
Agad niya itong ipinagbigay alam sa QCPD-Kamuning Station na mabilis namang humingi ng tulong sa Special Weapons and Tactics Team (SWAT).
Dito ay sinimulang hukayin ang lugar hanggang sa lima pang mga vintage bomb ang nakuha.
Ayon kay SPO3 Alfonso Roland Logan II ng bomb disposal unit, pawang mga Mortar 81mm ang deskripsiyon ng mga vintage bomb.
Nabatid na kayang pasabugin ng mga nakuhang bomba ang isang malaking gusali.
Lumilitaw na may nauna nang 27 vintage bomb ang nahukay sa kalapit na lugar kamakailan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended