^

Metro

Klase sa 2 paaralan suspendido pa rin, kahit meningo negatibo

-
Patuloy na sinuspinde ang klase sa dalawang pribadong paaralan na malapit sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa patuloy na pangambang pagkalat umano ng meningococcemia sa kabila na negatibo naman ang resulta nito sa nasawing ginang.

Nabatid na sinuspinde ang klase at pansamantalang itinigil ang operasyon sa St. Mary’s Academy at Sta. Clara School, mga paaralang malapit sa ospital na sinasabing doon namatay ang ginang na si Marjorie Florano na hininala noong una na biktima ng meningo.

Ayon naman sa mga opisyal ng Pasay City Health Department kahit pa aniya negatibo ang resulta, tatlong araw pa nila itong oobserbahan upang higit na makasiguro na hindi nga meningo ang ikinamatay ni Florano.

Kahapon din ay inilibing na ang labi ni Florano at ang lahat ng mga nakipaglibing dito ay binigyan ng anti-biotic, dahil ayon sa Pasay City Health Office sadyang naniniguro lamang ang kanilang tanggapan.

Balik na rin naman sa normal na operasyon ang PCGH at tumatanggap na ng mga pasyente. (Lordeth Bonilla)

AYON

BALIK

CLARA SCHOOL

FLORANO

LORDETH BONILLA

MARJORIE FLORANO

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY HEALTH DEPARTMENT

PASAY CITY HEALTH OFFICE

ST. MARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with