Pagawaan ng pekeng pera sinalakay: 2 timbog
November 25, 2005 | 12:00am
Arestado ang dalawa katao na umanoy pawang mula sa kilalang angkan makaraang salakayin ng mga awtoridad ang pagawaan ng pekeng pera sa Marikina City kamakalawa ng hapon.
Naaresto ang mga suspect na sina Dennis Nacianceno, umanoy kamag-anak ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Robert Nacianceno at Melvin Imperial, umanoy anak ng isang retiradong heneral.
Ayon kay PO2 Arnel Manuel ng Marikina police, nagsagawa ng coordination sa kanilang himpilan ang opisyal ng Central Bank na pinamumunuan ni Sr. Agent Nestor delos Reyes at National Bureau of Investigation (NBI) Atty. Leandro Yanguas dakong alas-3 ng hapon upang salakayin ang isang bahay na matatagpuan sa #47 M. Cruz St., Brgy. Sta. Elena ng lungsod na ito.
Dala ang search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ay tumulak ang mga awtoridad sa nasabing bahay at naaresto ang mga suspect.
Nakuha sa mga ito ang isang M2 assault rifle, ibat ibang uri ng makina sa paggawa ng pera, ilang bundle ng pekeng pera mula sa P1,000, P500, P200, P100 at $1 bill.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect sa NBI detention cell. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am