^

Metro

Pagawaan ng pekeng pera sinalakay: 2 timbog

-
Arestado ang dalawa katao na umano’y pawang mula sa kilalang angkan makaraang salakayin ng mga awtoridad ang pagawaan ng pekeng pera sa Marikina City kamakalawa ng hapon.

Naaresto ang mga suspect na sina Dennis Nacianceno, umano’y kamag-anak ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Robert Nacianceno at Melvin Imperial, umano’y anak ng isang retiradong heneral.

Ayon kay PO2 Arnel Manuel ng Marikina police, nagsagawa ng coordination sa kanilang himpilan ang opisyal ng Central Bank na pinamumunuan ni Sr. Agent Nestor delos Reyes at National Bureau of Investigation (NBI) Atty. Leandro Yanguas dakong alas-3 ng hapon upang salakayin ang isang bahay na matatagpuan sa #47 M. Cruz St., Brgy. Sta. Elena ng lungsod na ito.

Dala ang search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ay tumulak ang mga awtoridad sa nasabing bahay at naaresto ang mga suspect.

Nakuha sa mga ito ang isang M2 assault rifle, iba’t ibang uri ng makina sa paggawa ng pera, ilang bundle ng pekeng pera mula sa P1,000, P500, P200, P100 at $1 bill.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect sa NBI detention cell. (Edwin Balasa)

ARNEL MANUEL

CENTRAL BANK

CRUZ ST.

DENNIS NACIANCENO

EDWIN BALASA

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

JUDGE ANTONIO EUGENIO JR.

LEANDRO YANGUAS

MARIKINA CITY

MELVIN IMPERIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with