Iniwan ng gf, binata nagbigti
November 24, 2005 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang binata matapos iwanan ng kanyang kasintahan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan si Ernest Bill Limkin, 30, ng 45-B Buwagan St., Barrio San Jose ng nasabing lungsod sa loob ng kuwarto nito dakong alas-9.
Ayon sa lola ng biktima na si Milagros, matagal niyang kinakatok ang kuwarto ng kanyang apo subalit hindi ito nagbubukas na naging dahilan upang sapilitan na itong buksan.
Nang pumasok sa silid ng biktima ay nakita itong nakabitin habang nakapulupot ang isang nylon cord sa leeg at may sugat sa kanang braso.
Sinabi pa ni Milagros sa mga awtoridad, naging malulungkutin ang kanyang apo at laging nag-iisa mula ng makipaghiwalay ang nobya nitong hindi na nakuha ang pangalan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended