NCRPO full alert sa SEA Games
November 24, 2005 | 12:00am
Simula ngayong araw na ito ay isasailalim na sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila dahilan sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) kaugnay ng idaraos na ika-23rd Southeast Asian Games sa bansa.
Sinabi ni NCRPO chief Director Vidal Querol na magsasagawa sila ng mahigpit na pag-iinspeksyon sa mga behikulong papasok sa Metro Manila partikular na dito yaong mga galing sa Rizal, Bulacan at Cavite dahil may base sa Southern Tagalog Region ang NPA.
Binigyang diin pa ng opisyal na hindi nila pahihintulutang malusutan sila ng mga komunistang grupo.
Nabatid sa opisyal na mahigit 5,000 puwersa ng kapulisan ang kanilang ipakakalat sa mga venue ng SEA Games sa Metro Manila maliban pa sa mga bisinidad ng mga hotel na tutuluyan ng mga delegado, gayundin sa terminals, paliparan at mga pangunahing daan sa kamaynilaan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am