^

Metro

Carjackers umatake uli sa QC

-
Isang negosyanteng Tsinoy ang iniulat na nasugatan makaraang barilin ng isa sa tatlong carjacker na sapilitang kumuha sa kanyang sasakyan sa Banawe, Quezon City , kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Edison Tiu, 36, ng Brgy. South Triangle, Quezon City na nagtamo ng sugat sa hita, ito ay ginagamot ngayon sa St. Lukes Medical Center.

Ayon sa ulat dakong alas-9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng Starbucks Coffee sa Banawe St., Manresa, Quezon City.

Nabatid na ipinarada lamang ni Tiu ang kanyang sasakyang Nissan X-trail na may plakang XRU-963 sa tapat ng nasabing coffee shop nang lapitan siya ng dalawang suspect at tutukan ng baril habang ang isa pa ay nagsilbing look-out.

Napag-alaman na tumanggi ang biktima na ibigay ang susi ng sasakyan kung kaya’t pinaputukan ito ng isa sa mga suspect.

Tuluyang natangay ng mga suspect ang sasakyan ng biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BANAWE

BANAWE ST.

DORIS FRANCHE

EDISON TIU

NISSAN X

QUEZON CITY

SOUTH TRIANGLE

ST. LUKES MEDICAL CENTER

STARBUCKS COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with