Nasa kritikal na kondisyon sa loob ng intensive care unit (ICU) ng Manila Doctors Hospital si Wycoco bunsod umano ng internal head hemorrhage.
Sa inisyal na ulat ni NBI spokesman Atty. Ric Diaz nagsasagawa ng close meeting si Wycoco dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng kanyang opisina nang biglang atakihin at nag-collapsed.
Kasama umano ni Wycoco sa opisina ang kanyang nakababatang kapatid na si Supt. Edgardo Wycoco ng Central Police District, Court of Appeals Justice Estrella Bernabe, Anti-Fraud and Computer Crimes Division chief Atty. Efren Meneses at iba pang mga opisyales na pinag-uusapan ang isang sensitibong kaso nang biglang himatayin ito.
Agad itong isinugod sa emergency room ng Manila Doctors Hospital at makalipas ang ilang minuto ay inilipat na ito sa intensive care unit ng pagamutan.
Hindi naman nagbibigay ng anumang pahayag ang ospital ukol sa kalagayan nito.
Sinasabing maliit na porsiyento na lamang ang tsansang makaligtas si Wycoco.
Dinalaw rin kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Wycoco habang ito ay nasa ICU. (Danilo Garcia)