^

Metro

Director Wycoco kritikal

-
Isinugod kahapon sa pagamutan si National Bureau of Investigation (NBI) director Reynaldo Wycoco matapos na ma-stroke sa kalagitnaan ng pagpupulong sa kanyang mga opisyales, kahapon ng tanghali sa lungsod ng Maynila.

Nasa kritikal na kondisyon sa loob ng intensive care unit (ICU) ng Manila Doctor’s Hospital si Wycoco bunsod umano ng internal head hemorrhage.

Sa inisyal na ulat ni NBI spokesman Atty. Ric Diaz nagsasagawa ng close meeting si Wycoco dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng kanyang opisina nang biglang atakihin at nag-collapsed.

Kasama umano ni Wycoco sa opisina ang kanyang nakababatang kapatid na si Supt. Edgardo Wycoco ng Central Police District, Court of Appeals Justice Estrella Bernabe, Anti-Fraud and Computer Crimes Division chief Atty. Efren Meneses at iba pang mga opisyales na pinag-uusapan ang isang sensitibong kaso nang biglang himatayin ito.

Agad itong isinugod sa emergency room ng Manila Doctor’s Hospital at makalipas ang ilang minuto ay inilipat na ito sa intensive care unit ng pagamutan.

Hindi naman nagbibigay ng anumang pahayag ang ospital ukol sa kalagayan nito.

Sinasabing maliit na porsiyento na lamang ang tsansang makaligtas si Wycoco.

Dinalaw rin kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Wycoco habang ito ay nasa ICU. (Danilo Garcia)

ANTI-FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

CENTRAL POLICE DISTRICT

COURT OF APPEALS JUSTICE ESTRELLA BERNABE

DANILO GARCIA

EDGARDO WYCOCO

EFREN MENESES

MANILA DOCTOR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REYNALDO WYCOCO

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with