^

Metro

Mag-anak na illegal recruiter, arestado

-
Isang pamilya na sangkot sa illegal recruitment ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Fairview Police Station sa isinagawang entrapment operation, kahapon ng hapon sa Quezon City.

Kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya sina Lambert Fajardo, 50; misis nitong si Jeannette, 48; anak na si Shiela May, 20, pawang mga residente ng Xavierville Subdivision sa Fairview, Quezon City at sekretarya na nakilalang sa pangalang Myla Silvestre.

Umaabot naman sa 50 biktima ng mga suspect ang dumagsa sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaso laban sa mga ito na mula sa lalawigan ng Nueva Ecija at Metro Manila.

Pinangangakuan ng mga suspect ang bawat isa na makapupunta sa Australia at makapagtatrabaho kung makapagbibigay ng P100,000 sa loob ng tatlong buwan.

Ayon sa isa sa mga complainant na si Dr. Francisco Ignacio, isinagawa ang entrapment operation sa mismong opisina ng mga suspect sa Detour Travel Center sa Regalado Ave. Fairview Park, Q.C.

Nagpanggap na muling magbibigay ng kakulangang P50,000 ang nirecruit na si Diana Embuscado sa mga suspect nang dakpin ng mga pulis.

Lumitaw kay Ignacio na umaabot sa P450,000 ang nakuha sa kanya at sa kanyang dalawang anak. (Doris Franche)

vuukle comment

DETOUR TRAVEL CENTER

DIANA EMBUSCADO

DORIS FRANCHE

DR. FRANCISCO IGNACIO

FAIRVIEW PARK

LAMBERT FAJARDO

METRO MANILA

MYLA SILVESTRE

NUEVA ECIJA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with