^

Metro

Caloocan residents nagrali dahil sa kawalan ng tubig

-
Nagsagawa ng kilos protesta ang daan-daang residente mula sa 16 na barangay sa Caloocan City sa harap ng tanggapan ng Maynilad Water Services Inc. dahil sa kawalan ng tubig sa kanilang lugar, gayung patuloy naman ang pagtaas na singil sa kanila.

Ayon kay Larry Canilao, tagapagsalita ng Alyansa Sigaw ng Tubig (AST) at Arnold Padilla ng Water for the People Network simula ng maging pribado ang operasyon ng MWSI nagkawindang-windang na ang operasyon ng tubig sa kanilang lugar.

Karamihan umano ng apektadong lugar na walang tubig ay ang 16 na barangay sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Iginiit pa ng nasabing grupo na patuloy ang paniningil ng monthly bill ng MWSI pero wala namang tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo.

Dismayado rin ang nasabing grupo sa ikinatuwiran ni Engr. Jimmy Bartolome na masyadong marami na ang kanilang kostumer kung kaya’t kinakapos ang suppply nila ng tubig.

Ayon pa sa mga residente, umaasa na lamang sila sa rasyong tubig mula sa local government unit ng Caloocan City.

Ayon pa sa mga nagrali, uhaw na nga sila sa serbisyo, uhaw pa rin sila sa tubig sa MWSI kung saan hiling na lamang nila na maging aginaldo na sa kanila ang magkaroon ng tubig sa kanilang gripo ngayong magpaPasko. (Rose Tamayo)

ALYANSA SIGAW

ARNOLD PADILLA

AYON

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

JIMMY BARTOLOME

LARRY CANILAO

MAYNILAD WATER SERVICES INC

PEOPLE NETWORK

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with