Alfredo Lim ayaw magsakay, kinatay
November 22, 2005 | 12:00am
Isang pedicab driver na kapangalan ni Senator Alfredo Lim ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang pasahero matapos na tanggihan nitong ihatid ang huli sa pupuntahan, kahapon ng madaling araw sa Marikina City .
Nasawi habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Alfredo Lim, sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.
Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2: 15 ng madaling araw sa kahabaan ng Libis St., Tumana Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod nang sumakay ang suspect sa nakaparadang pedicab ni Lim.
Tumanggi umano ang biktima na ihatid ito dahil sa ilang na lugar ang kanilang pupuntahan na ikinagalit ng suspect.
Sa gitna ng pagtatalo ay mabilis na bumunot ng patalim ang suspect at pinagsasaksak ang biktima at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect na pinaniniwalaang taga-roon din sa lugar. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended