2 pulis timbog sa holdap
November 22, 2005 | 12:00am
Arestado ang dalawang bagitong pulis makaraang mangholdap ang mga ito ng taxi kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspect na sina PO1 Sherwin Somera, 23, bagong recruit na pulis at kasalukuyang nasa on the job training (OJT) at nakadestino sa PCP 7 ng Taguig police at PO1 Hermie Taroma Jr., 29, OJT naman sa Eastern Police District (EPD).
Nabatid na naaresto ang mga suspect habang hinoholdap ang taxi na minamaneho ng biktimang si Ricardo Espina, 40, sa 38th Street Global City, Fort Bonifacio, ng lungsod na ito.
Sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng patrol at random checkpoint ang mga tauhan ng PCP 7 sa pangunguna ni Supt. Vicente Ramoran sa hindi kalayuan sa lugar ng insidente dahil sa reklamong talamak ang holdapan ng taxi doon.
Habang abala sa pagche-checkpoint ay biglang nakatanggap ng radio message ang grupo ni Ramoran na mayroong holdapang nagaganap hindi kalayuan sa kanilang lugar kaya mabilis na rumesponde ang mga ito.
Nang mamataan ng pulisya ang taxi na minamaneho ni Espina ay agad na tumakas ang mga suspect subalit naaresto din ito sa ilang minutong habulan.
Nakuha sa mga suspect ang dalawang 9mm na baril at isang super .38 kasama ang mga bala nito.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect sa Taguig police habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended