Ayon kay Lydia Briones, 42 ng no. 15 Cabildo St. New Intramuros Village sinampahan niya ng kasong estafa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame sina PO3 Ben Hur Legasa na nakatalaga sa Training Dept. ng NCRPO at misis nitong si Melba ng no. 47 Gen. Luna St. ng nabanggit ding subdivision.
Sa reklamo ni Briones, sinabi nito na ayaw siyang bayaran ng mag-asawa sa bahay na inookupan nito na nagkakahalaga ng P6 milyon.
Lumilitaw na nakilala ni Briones ang mag-asawang Legasa noong Agosto , 2003 kung saan naghahanap ang mga ito ng bahay at inalok ang bahay sa Gen. Luna St. na nagustuhan naman ng huli.
Inamin ni Briones na nakumbinsi siya ng mag-asawa na pansamantalang tumira dahil hinihintay pa ng mga ito ang pera na manggagaling umano sa biyenan ni Melba. Naki-usap pa din kay Briones si Melba na gumawa ng deed of sale upang mabilis na mailabas ng Central Bank ang kanilang pera na ginawa naman ng una.
Kailangan daw kasing ikapakita ni Melba sa bangko na marami siyang ari-arian sa lalawigan at sa Metro Manila upang mailabas ang bilyong pera nito.
Subalit matapos ito ay nagkaroon na ng dahilan si Melba hanggang sa tumagal ang kanilang pagtira ng walang ibinabayad kay Briones.
Nabatid na marami ng naloko si Melba kung saan may pending case ito sa Caloocan City Regional Trial Court.
Ipinagyayabang din umano ni Melba ang mga police officials na kanyang kilala sa Camp Karingal at sa Camp Crame.
Sinubukan namang kunin ang panig ni Melba subalit wala ito sa kanyangn bahay at tumanggi din ang kanyang mga anak na magsalita hinggil dito. (Doris Franche)