^

Metro

TV host, arogante at bastos — TMG

-
Tinawag na arogante at rude ni PNP-TMG OIC director Chief Supt. Augusto Angcanan si ABS-CBN talent Iya Villania matapos na magpakita ito ng hindi magandang pag-uugali sa isinagawang symbolic turn-over ng kinarnap na sasakyan nito na nabawi ng TMG.

Sa isang press conference na ginanap kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Angcanan na hindi maganda ang ipinakitang ugali ng aktres nang magtungo ito kamakalawa ng hapon sa tanggapan ng TMG upang kilalanin ang kanyang sasakyan na nabawi ng TMG sa kanilang operasyon kamakailan sa Quezon City. "She’s rude and arrogant, parang sinampal niya kaming lahat, ’di man lang nagpasalamat," pahayag ni Angcanan.

Hindi umano inaasahan ni Angcanan ang naging reaksiyon ng dalaga na sa halip na magpasalamat sa kanila ay tila pinaghinalaan pa ang kanyang mga tauhan na nakikipagsabwatan sa mga carnapper. Sinabi umano ni Iya na, "I am not happy with this personally and I think there is more behind all this things!" bagay na ikinasama ng loob ni Angcanan.

Kasabay nito, hinamon ni Angcanan ang TV personality na humarap sa publiko at patunayan ang kanyang alegasyon.

Isinisi rin ni Angcanan kay Iya ang umano’y nabalewalang pagpupursige ng mga tauhan ng TMG upang mabawi ang sasakyan matapos pawalan ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang apat na hinihinalang sangkot sa carjacking activities na nauna nilang inaresto habang ibinebenta ang sasakyan ng artista.

Ayon kay Angcanan, dahil sa kawalan ng formal complaint ni Iya at tila kawalan nito ng interes na magsampa o ipagpatuloy ang kaso ay iniutos ni Fiscal Reymundo Aumentado na palayain ang mga akusado at magsagawa pa ng further investigation. (Angie dela Cruz)

ANGCANAN

ANGIE

AUGUSTO ANGCANAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

FISCAL REYMUNDO AUMENTADO

IYA

IYA VILLANIA

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with