2 pang carjack na sasakyan nabawi
November 19, 2005 | 12:00am
Nabawi na ng mga awtoridad ang inagaw na sasakyan ng TV host/ actress na si Iya Villana makaraang matunton at salakayin ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group ang isang garahe sa isang subdibisyon sa Quezon City.
Dakong alas-8 ng gabi nang pasukin ng mga awtoridad ang isang garahe sa Narra St. Vista Real Subdivision matapos na magpanggap na buyer ng sasakyan ang isa sa operatiba kay Patrick Tuzon na siyang nagbebenta ng mamahaling sasakyan.
Ang operasyon ay isinagawa bunga na rin ng natanggap na impormasyon ng awtoridad na sa naturang lugar itinatago ang mga kinakarnap na sasakyan. Sa naturang garahe natagpuan ang isang carjack na kulay pulang BMW model 2003 at ang Nissan Patrol ni Villana na nabiktima ng carjacking noong Nobyembre 6 sa Sgt. Esquerra St. sa Quezon City. Nabatid na umaabot sa P2 milyon ang halaga ng Nissan Patrol ni Villana subalit naibenta lamang ito sa halagang P850,000.
Bagamat napalitan na ang plaka ng sasakyan ng TV host maging ang papeles nito tulad ng certificate of registration nabatid na ito ang sasakyan ng aktres dahil hindi napalitan ang irihinal na TIN number ng sasakyan.
Sinabi ni PNP-TMG director Chief Supt. Augusto Angcanan na sa isang nagngangalang Rich Mauricio ng Vista Real umano ibinabagsak at isinasanla ang mga karnap na sasakyan na inaalok ni Tuzon.
Kinumpirma naman ng pulisya ang partisipasyon ng isang JJ delos Santos na mula sa prominenteng pamilya na itinuro ni Tuzon na nagpapabenta ng mga karnap na sasakyan.
Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan si delos Santos sa mga napatay na umanoy carjacker na sina Francis Manzano, Brian Dulay at Antonio Cu-Unjieng sa Ortigas, Pasig, kamakailan. (Doris Franche at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended