10 kilong sangkap sa paggawa ng bomba, nasamsam
November 18, 2005 | 12:00am
Sampung kalalakihan ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) habang pinaghahanap pa ang sinasabing lider ng mga ito dahilan sa pag-iingat ng P300,000 halaga ng ammonium nitrate, isang pangunahing sangkap sa paggawa ng bomba, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.
Nakilala ang naaresto na sina Ronald Licutan, Fernando Peñaranda, Ronald Paleto, Anthony Obeja, Michael at Marlon Verzosa, Chris Abasola, Rogelio Dequitan, Allan Galit at Roberto Abad.
Kasalukuyang namang pinaghahanap ang lider ng mga ito na nakilalang si Pablo Obeja na tumalon sa dagat para takasan ang mga awtoridad.
Sa pamamagitan ng search warrant na ipinalabas ni Judge Felix Olalia ng Manila Regional Trial Court, sinalakay ng mga tauhan ni Atty. Oscar Embido ang pinagkukutaan ng mga suspect sa 147 Pitong Gatang, Brgy. Sipac ng nasabing bayan.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na nagtatago ng ammonium nitrate ang mga suspect. Positibo naman ang isinagawang operasyon dahil nasamsam sa mga nadakip ang may sampung kilo ng nasabing sangkap sa paggawa ng bomba. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended