Mall ipapalit sa kinatitirikan ng 2 paaralan sa Maynila
November 17, 2005 | 12:00am
Daan-daang estudyante sa dalawang pampublikong paaralan sa Maynila ang mawawalan ng kanilang mga eskuwelahan dahil sa pagnanais umano ng lokal na pamahalaan ng lungsod na gawin itong isang malaking mall.
Ayon sa mga guro at estudyante ng Rajah Sulayman High School at Jose Abad Santos High School (JASH), dalawang taon na lamang umano ang kanilang nalalabing kontrata at pagkatapos nito ay gagawin na itong isang mall.
Dahil sa pangamba naman ng Parents Teachers and Community Association Inc. ng JASH na mawalan sila ng tirahan kayat inanyayahan ng mga ito si Manila Mayor Lito Atienza Jr. na makipag-dayalogo ngayong araw na ito dakong ala-1 ng hapon sa kanila upang sagutin ang kanilang mga katanungan tungkol sa napipintong pag-aalis ng kanilang paaralan sa lupang kinatitirikan nito.
Ang Rajah Sulayman High School ay matatagpuan sa Sta. Elena St. samantalang ang JASH ay sa Regina Regente St., Binondo, Maynila, katabi lamang ang dating makasaysayang Meisic Museum na sinasabing gagawing Manila City Hall annex subalit ginawa na rin itong isang mall.
Ito rin umano ang dahilan kung kayat gagawing mall ang kanilang mga eskuwelahan upang lalo pang lumaki at lumawak ang nasabing mall at posibleng ang may-ari rin nito ang bumili sa lokal na pamahalaan ng lupang kinatitirikan ng nasabing mga paaralan.
Nagpahayag din ng pangamba ang mga guro at estudyante ng naturang mga eskuwelahan dahil sa hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring binabanggit si Atienza kung saan ililipat ang kanilang paaralan sakaling matapos na ang kanilang kontrata sa loob ng dalawang taon. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended