^

Metro

Ate pinatay ng utol

-
Nadakip kahapon ng mga tauhan ng pulisya ang isang 28-anyos na lalaki na pumatay sa pamamagitan nang pagsakal sa kanyang ate dahil lamang sa hindi siya pinautang ng halagang P500.00 sa Taguig City kamakailan.

Nakilala ang nadakip na si Felipe Peñalosa, ng Block 28, Lot 30, Purok 4, Brgy. Upper Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Nakilala naman ang biktima na si Eva Peñalosa, 32, ate ng suspect ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat na nakarating sa Taguig Police, nabatid na unang iniulat sa pulisya ng suspect na nagpakamatay ang kanyang ate noong nakalipas na Oktubre 15 ng taong kasalukuyan.

Gayunman, nagduda ang imbestigador at ang ilang kaanak ng nasawi sa mga pahayag ni Felipe kung kaya pina-awtopsiya ang bangkay ng biktima.

Lumabas sa resulta ng awtopsiya na pinatay sa sakal ang biktima at napag-alaman din na ng mangyari ang krimen ay naroon ang suspect.

Sa isinagawang follow-up operation dinakip ang suspect sa Lipa City.

Sa himpilan ng pulisya inamin ng suspect na pinatay nga niya ang kanyang ate sa harapan ng anak nito na si Jetjet, 6 matapos na hindi siya pautangin ng halagang P500.00. (Lordeth Bonilla)

BRGY

EVA PE

FELIPE

FELIPE PE

LIPA CITY

LORDETH BONILLA

NAKILALA

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with