Nasamsam dito ang tinatayang milyong kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu.
Sinabi ni PNP-AIDSOFT director Marcelo Ele Jr. na dakong alas-10:30 ng gabi nang lusubin ng raiding team sa pangunguna ni Sr. Supt. Arnold Aguilar ang shabu lab sa 3 Rooks St., Mendoza Village sa Project 8, Quezon City.
Nasakote sa raid si SPO4 Giovanni Agas, 47, ng Brgy. West Kamias at nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit ng NCRPO at ang pinagsususpetsahang big-time drug trafficker na si Raquel Arellano-Tayman, 47.
Ayon pa sa ulat, unang nagtungo sa tanggapan ng pulisya sa Quezon City ang anak ni Tayman upang isumbong ang umanoy paggamit ng shabu ng kanyang ina at para maipa-rehab ito. Subalit hindi inaasahan ng mga awtoridad na sa kanilang pagsalakay ay madidiskubre nila sa bahay ang shabu laboratory.
Nagsasagawa pa ng pag-iimbentaryo ang pulisya sa nakumpiskang mga kemikal na tinatayang aabot sa multi-milyong halaga.
Kasalukuyang inihahanda ang kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspects. (Joy Cantos at Doris Franche)