^

Metro

Pulis, 1 pa huli sa shabu lab

-
Bagsak kalaboso ang isang pulis at kaibigan nitong hinihinalang big-time drug trafficker makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force at Quezon City Police ang isang shabu laboratory sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.

Nasamsam dito ang tinatayang milyong kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu.

Sinabi ni PNP-AIDSOFT director Marcelo Ele Jr. na dakong alas-10:30 ng gabi nang lusubin ng raiding team sa pangunguna ni Sr. Supt. Arnold Aguilar ang shabu lab sa 3 Rooks St., Mendoza Village sa Project 8, Quezon City.

Nasakote sa raid si SPO4 Giovanni Agas, 47, ng Brgy. West Kamias at nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit ng NCRPO at ang pinagsususpetsahang big-time drug trafficker na si Raquel Arellano-Tayman, 47.

Ayon pa sa ulat, unang nagtungo sa tanggapan ng pulisya sa Quezon City ang anak ni Tayman upang isumbong ang umano’y paggamit ng shabu ng kanyang ina at para maipa-rehab ito. Subalit hindi inaasahan ng mga awtoridad na sa kanilang pagsalakay ay madidiskubre nila sa bahay ang shabu laboratory.

Nagsasagawa pa ng pag-iimbentaryo ang pulisya sa nakumpiskang mga kemikal na tinatayang aabot sa multi-milyong halaga.

Kasalukuyang inihahanda ang kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspects. (Joy Cantos at Doris Franche)

ARNOLD AGUILAR

DORIS FRANCHE

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

GIOVANNI AGAS

JOY CANTOS

MARCELO ELE JR.

MENDOZA VILLAGE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RAQUEL ARELLANO-TAYMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with