Restobar owner, hindi dinukot
November 14, 2005 | 12:00am
Naniniwala ang Caloocan City Police na isang lehitimong police operation ang pagkakadampot sa isang restobar owner nang maiulat itong nanawala matapos na kunin ng mga armadong lalaki noong Biyernes ng hapon sa Caloocan City.
Ayon kay Supt. Leo Garra, hepe ng Caloocan City Police, posibleng may kaso ang negosyanteng si Nestor Ungel, 29, ng no. 420 Area B, Parola Binondo, Maynila ng damputin ito ng 10 armadong kalalakihan nang lumabas sa isang fastfood chain sa panulukan ng EDSA at Asuncion St. sa Morning Breeze Subdivision at saka isinakay sa isang sasakyan na may commemorative plate ng Traffic Management Group.
Ipinaliwanag ni Garra na ang kasong ito ay tulad din ng nangyaring pagdukot sa isang Japanese national sa Malabon City kung saan makalipas ang ilang linggo ay kinumpirma ni Malabon City Police chief Supt. Moises Guevarra na dinampot ang Japanese bunga ng pagkakasangkot nito sa ilegal na droga. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended