Ang pagsasampa ng NBI-Intelligence Special Operations Division (ISOD) ng kasong arbitrary detention laban kay Jaylo ay bunsod sa reklamo ng mga pamilya ng mga inarestong suspect na dumulog sa tanggapan ng NBI.
Sinasabing illegal umano ang patuloy na pagkakakulong ng mga inaresto ng mga kagawad ng PAIRTF dahil nabuwag na ito noon pang July 2005.
Si Jaylo ay nauna nang kinasuhan sa Department of Justice (DoJ) ng two counts of usurpation of authority.
Bukod kay Jaylo, kinasuhan din ng kidnapping at serious illegal detention sina Lucio Margallo IV, dating Deputy Director ng PAIRTF, Intelligence Officers (IOs) Rodolfo Sosa, Cieleto Coronel at Rosauro Dalisay habang Robbery Extortion at Arbitrary Detention naman kina SPO1 Rome Noriega at PO3 Francisco Quito dahil sa reklamo nina Rino Estorque, Ma. Luz Estorque at Rena Estorque.
Kabilang din sa kinasuhan ng illegal detention at usurpation of authority laban kina Cresensio Cabasal; habang kidnapping, illegal detention at usurpation of authority naman kina IOs William Valenzona; PO2 Geronimo Opelc, PO3 F. Poce; IO Nicasio Ramoran; Darwin Peña dahil sa reklamo ni Mona Liza Banzon.
Sinabi ng NBI na walang awtoridad si Jaylo na mag-appoint ng pulis at intelligence officer sa Task Force kundi ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na siyang nangangasiwa rito.
Idinagdag pa ng NBI na ang PAIRTF na itinatag sa bisa ng Executive Order 325 ay binuwag na noon pang July 2005.
Sinabi naman ni Jaylo na ang sunud-sunod na pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng NBI ay resulta umano ng ganti ng mga inaresto nitong illegal recruiters.
"They are out to take revenge against me and my men. I only did my job. We go after these big-time illegal recruitment syndicate," ani Jaylo. (Gemma Amargo-Garcia)