Ang naturang resulta ay ipinasa na kamakalawa ni Senior Supt. Luisito Maralit, hepe ng fact finding team kay Lomibao.
Gayunman, wala umanong ibinigay na rekomendasyon ang fact finding team hinggil sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon.
Ayon sa grupo, bahala na si Lomibao na magdesisyon sa naturang isyu.
Tumanggi rin itong ihayag ang naging resulta ng imbestigasyon na inaasahang bukas pa ihahayag ng pamunuan ng PNP.
Magugunitang nasawi sa naturang insidente sina Bryan Anthony Dulay, Antonio Cu-Unjieng at Francis Xavier Manzano na umanoy buhat sa prominente at mayayamang pamilya.
Sampung TMG personnel naman na sangkot sa operasyon ang naunang sinibak sa puwesto subalit matapos ang isang araw ay muling ibinalik ng PNP makaraang magpositibo umano sa powder burns ang dalawa sa mga nasawi patunay na hindi rubout kundi shootout ang nangyari. (Angie dela Cruz)