^

Metro

Imbestigasyon sa Ortigas "shootout’, tapos na

-
Nasa kamay na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Arturo Lomibao ang resulta ng imbestigasyon ng 7-man fact finding team hinggil sa naiulat na "overkill" sa pagkasawi ng tatlong hinihinalang carjackers sa Ortigas, Pasig City.

Ang naturang resulta ay ipinasa na kamakalawa ni Senior Supt. Luisito Maralit, hepe ng fact finding team kay Lomibao.

Gayunman, wala umanong ibinigay na rekomendasyon ang fact finding team hinggil sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon.

Ayon sa grupo, bahala na si Lomibao na magdesisyon sa naturang isyu.

Tumanggi rin itong ihayag ang naging resulta ng imbestigasyon na inaasahang bukas pa ihahayag ng pamunuan ng PNP.

Magugunitang nasawi sa naturang insidente sina Bryan Anthony Dulay, Antonio Cu-Unjieng at Francis Xavier Manzano na umano’y buhat sa prominente at mayayamang pamilya.

Sampung TMG personnel naman na sangkot sa operasyon ang naunang sinibak sa puwesto subalit matapos ang isang araw ay muling ibinalik ng PNP makaraang magpositibo umano sa powder burns ang dalawa sa mga nasawi patunay na hindi ‘rubout’ kundi ‘shootout’ ang nangyari. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANTONIO CU-UNJIENG

BRYAN ANTHONY DULAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

FRANCIS XAVIER MANZANO

LOMIBAO

LUISITO MARALIT

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with