Sekyu dedo sa kapwa sekyu
November 12, 2005 | 12:00am
Binaril at napatay ng isang security guard ang kapwa niya sekyu matapos ang mainitang pagtatalo nang hindi papasukin ng una sa binabantayan nitong subdibisyon ang huli, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Delos Santos Hospital ang biktimang si Richard Malinao, 29, ng Safeguard Security Agency at naninirahan sa Brgy. Damayan-Lagi, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspect na si Jose Michael Banez, ng Tangos, Navotas, Metro Manila, ng Millgos, Security Agency. Nakatalaga ito sa gate ng Villa España Subdivision na nasa kahabaan ng E. Rodriguez, Brgy. Damayan-Lagi ng nabanggit na lungsod.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi sa gate ng nabanggit na subdibisyon na binabantayan ng suspect.
Papasok umano sa gate ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Dalmacio Cuyacot at humingi ng pahintulot sa suspect na noon ay naka-duty.
Hindi umano pinahintulutan ng suspect na pumasok ang dalawa hanggang sa magpumilit umano ang biktima at humantong sa pagtatalo.
Sa gitna ng komprontasyon ay biglang binunot ng suspect ang kanyang service firearm at binaril ang biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended