^

Metro

Most wanted kidnapper patay sa shootout

-
Isa sa mga most wanted kidnapper sa bansa ang iniulat na nasawi makaraang makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng Presidential Anti Crime Emergency Response (PACER) na tumutugis sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nasawi noon din si Aljon Martinez, ng Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas, Cavite na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa No. 19 A. Balagtas St., Brgy. Pamplona 1, Las Piñas City.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang naturang operatiba laban kay Martinez at base sa kanilang natanggap na impormasyon ito ay nagtatago sa nabanggit na lugar.

Aarestuhin na ng mga pulis ang naturang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Stella Cabuco ng San Pedro Laguna ngunit bigla silang pinaulanan ng putok ng baril.

Nagtangka pa itong tumakas kung kaya gumanti na rin ng pagpapaputok ang mga operatiba.

Si Martinez ay sinasabing pang-pito sa listahan ng most wanted kidnappers sa bansa at may patong na P500,000 sa ulo.

Ito ay miyembro ng ‘Waray-waray gang’ na responsable sa serye ng kidnapping sa Laguna. (Lordeth Bonilla)

AARESTUHIN

ALJON MARTINEZ

AYON

BALAGTAS ST.

BRGY

JUDGE STELLA CABUCO

LAS PI

LORDETH BONILLA

PRESIDENTIAL ANTI CRIME EMERGENCY RESPONSE

SAN PEDRO LAGUNA

SI MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with