SuperFerry bomber babasahan ng sakdal
November 10, 2005 | 12:00am
Babasahan na ng sakdal ngayon ang mga miyembro ng Rajah Solaiman movement na kinasuhan ng pambobomba at rebelyon ng Department of Justice (DOJ) sa mababang hukuman.
Nabatid sa isang pahinang kautusan ni Presiding Judge Encarnacion Moya, alas-2 ng hapon itinakda ang arraignment kina Hilarion Santos, Abu Hamzer, Abu Hamid, Hannah Santos, Nururrija Amdal, Mursidi Balao, Ismale Idiris, Malit Alimuddin, Anne Annover at Bodot Abdullah.
Ang mga suspect ay isinasangkot sa Super Ferry bombings noong February 27, 2004, Valentines Day, Davao City at Gensan bombings.
Kasabay nito ay inatasan din ng hukom ang DOJ na maghain ng karagdagang ebidensiya na magdidiin sa grupo ni Khadaffy Janjalani na sinasabing sangkot din sa kaso.
Hanggang Nobyembre 15 lamang ang itinakdang petsa ng hukom upang tugunin ng DOJ ang nasabing kautusan. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended