^

Metro

Oil deregulation law hiling ibasura

-
Hinikayat ng isang konsehal mula sa Quezon City ang Kongreso na ibasura ang oil deregulation law dahil inutil umano ito at walang silbi para sa mamamayan.

Sa kanyang inihaing resolusyon sa Konseho kamakailan, sinabi ni District 2 Councilor Winston ‘Winnie’ Castelo na nabigo ang Republic Act 8479 o Act of deregulating the downstream oil industry na pigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Castelo, layunin ng naturang batas ang ihinto ang pagtaas ng presyo ng gasolina ngunit kinalaunan ay pinayagan lamang nito ang mga malalaking kompanya ng langis na magtaas ng kanilang mga presyo sa kabila ng pagbaba ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado. "Isang malaking kapalpakan ang RA 8479. Bukod sa pagiging inutil ay pahirap pa ito sa ating mga mamamayan," ani Castelo.

Napapanahon din umano ang pagbasura sa nasabing batas dahil sa epekto ng EVAT na kamakailan ay ipinatupad ng gobyerno na naging sanhi upang lalo pang tumaas ang presyo ng gasolina. "Aabot na sa P40 kada litro ang presyo ng gasolina at malapit na ring magtaasan ang iba pang mga bilihin," ani Castelo. Sa ilalim ng nasabing batas, maaaring pahintulutan ng pangulo ang bansa ang full deregulation sa rekomendasyon na rin ng finance at energy department kapag ang presyo ng crude oil ng petroleum products sa world market ay bumababa kasabay ng pagtibay ng piso laban sa dolyar.

vuukle comment

AABOT

AYON

BUKOD

CASTELO

COUNCILOR WINSTON

HINIKAYAT

ISANG

PRESYO

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with