^

Metro

Preso sa Navotas jail, dedo sa typhoid fever

-
Isang inmate sa Navotas Municipal Jail ang nasawi sa sakit na typhoid fever dahilan na rin sa kasikipan ng piitan at dami ng preso sa nasabing piitan.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center dulot ng typhoid si Jeffrey Boholano, 19.

Nabatid na unang isinugod si Boholano sa nabanggit na pagamutan noong Nobyembre 6 ng taong kasalukuyan matapos na makaramdam ng hirap sa paghinga at makalipas ang mahigit sa dalawang oras na gamutan at mabigyan ng gamot ay muling ibinalik sa municipal jail subalit kinabukasan ay muli itong inatake sa sakit kaya’t isinugod muli sa ospital at namatay habang ginagamot.

Kaugnay nito, humihingi naman ng tulong pinansiyal ang ina ni Boholano na si Erlinda, 42, para sa pagpapalibing sa kanilang anak na kasalukuyang nakaburol sa harapan ng Navotas Municipal Jail.

Si Boholano ay nakulong noong Setyembre 12, 2005 dahil sa kasong frustrated homicide at illegal possession of deadly weapons.

Sinabi naman ni Navotas Jail Warden, Supt. Deogracias Tapayan na hindi maiiwasang dapuan ng sakit ang mga bilanggo dahil sa sobrang sikip ng mga nakakulong dito.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 523, kabilang na ang mga babae inmates ang nakapiit dito, samantalang ang ideal capacity lamang ng kulungan ay 100. Tinatayang 600 percent over congestion level ang mga presong nakapiit dito. (Rose Tamayo)

BOHOLANO

DEOGRACIAS TAPAYAN

ERLINDA

ISANG

JEFFREY BOHOLANO

NAVOTAS JAIL WARDEN

NAVOTAS MUNICIPAL JAIL

ROSE TAMAYO

SI BOHOLANO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with