^

Metro

Ya Chang ipinapa-deport, ‘undesirable alien’ daw

-
Hiniling ng isang Pinay sa Bureau of Immigration (BI) na ipatapon palabas ng bansa ang isang Japanese commercial model at television talent dahil sa pagiging "undesirable alien" nito.

Sa reklamong isinampa ng isang nagngangalang Annalyn Nicole Jacob, residente ng Makati City na nais niyang ipaaresto at ipatapon palabas ng bansa si Yasuaki Yamaguchi, alyas Ya Chang.

Ang kahilingan ni Jacob ay bunsod ng umano’y pananakit nito sa kanya noong sila ay nagsasama pa o bilang live-in partner.

Itinatakwil din ni Jacob si Ya Chang dahil sa umano’y pagmumura nito sa mga Pinoy sa tuwing sila ay mag-aaway.

Nagsumite din si Jacob ng kanyang medical certificates kung saan nakita dito na nagkaroon ito ng isang nakahahawang sakit na nakuha nito kay Ya Chang.

Nabatid din na walang special work permit si Ya Chang upang magtrabaho sa bansa.

Si Ya Chang ay commercial model ng isang soy sauce at kasama rin sa television program na ‘Quizon Avenue’ ng Channel 2 at sa noontime variety show ng IBC-13. (Grace dela Cruz)

ANNALYN NICOLE JACOB

BUREAU OF IMMIGRATION

CRUZ

HINILING

ITINATAKWIL

MAKATI CITY

QUIZON AVENUE

SI YA CHANG

YA CHANG

YASUAKI YAMAGUCHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with