^

Metro

MMDA umatras sa demolisyon

-
Biglang umatras ang demolition team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga pulis para sa nakatakdang pagbaklas sa may 100 kabahayan hinggil sa ginagawang project widening sa ilang national road partikular sa kahabaan ng C-5 matapos ang matinding tensyon na posibleng pag-ugatan nang pagdanak ng dugo kahapon sa Taguig City.

Uumpisahan na sanang gibain ng demolition team ng MMDA ang may 100 kabahayan sa Sitio Kaunlaran, Gate 3, Fort Bonifacio ng lungsod na ito ngunit biglang nag-atrasan ang mga ito makaraang pumalag ang mga residente sa naturang lugar.

Sa una, dakong alas-10:35 ng umaga hindi natinag ang demolition team ng MMDA ngunit nang biglang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na hinihinalang mula sa ilang sundalong residente doon.

Dahil dito, nagpasya ang demolition team sa pamumuno ni Robert Esquivel na suspendihin muna nila ang kanilang operasyon upang maiwasan ang posibleng pagdanak ng dugo.

Nagpasya na lamang ang naturang ahensiya na kausapin ang mga residente at bigyan sila ng limang araw na taning upang sila na mismo ang gumiba sa kanilang mga barung-barong para umano maiwasan na ang sakitan ng magkabilang panig. Nagkasundo naman ang panig ng mga residente at MMDA sa naturang usapan.

Gayunman, sinabi ng MMDA na kung hindi susunod ang mga residente sa napagkasunduan sa loob ng limang araw ay itutuloy nila ang naudlot na demolition. (Lordeth Bonilla)

BIGLANG

DAHIL

FORT BONIFACIO

GAYUNMAN

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROBERT ESQUIVEL

SITIO KAUNLARAN

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with