Ang pagkakaroon ng "work stoppage" ay nag-ugat matapos ang mainit na sagutan sa flag-raising ceremony kahapon sa main office ng tanggapan sa Ortigas, Pasig City sa pagitan ni Puno at Executive Director Julito Vitriolo, na siyang unang kumukuwestiyon sa pananatili ni Puno at pag-akto nito bilang chairman ng nabanggit na ahensiya.
Ang dalawang CHED official ay nagpalitan ng maaanghang na salita hinggil sa COLA ng mga empleyado.
Idinagdag pa ni Vitriolo na kailangang maipakita ni Puno ang mga kaukulang papeles na siyang magpapatunay na dapat pa siyang manatili sa puwesto. Sinabi pa ni Vitriolo na dapat nang umalis sa kanyang puwesto si Puno matapos na ma-appoint ng Malacañang si Nona Ricafort bilang bagong chairman.
Sa panig ni Puno, handa siyang harapin ang lahat ng reklamo sa kanya ng mga empleyado at sinabing may proper forum para sa lahat at bahala ang mga empleyado kung gusto nilang magsampa ng reklamo laban sa kanya.
Samantala, hindi pa malinaw sa mga empleyado kung hanggang kailan sila magsasagawa ng tigil-trabaho subalit sinabi nilang kailangang harapin muna ni Puno ang mga problema sa ahensiya. (Edwin Balasa)