^

Metro

Gen. Kintanar pumalag sa pagdadawit sa kanya sa pagpaslang kay Nida Blanca

-
Kinontra kahapon ng akusadong si General Galileo Kintanar ang pagdadawit sa kanya sa pamamaslang sa aktres na si Nida Blanca.

Batay sa dokumentong inihain nito sa Department of Justice (DOJ), pinabulaanan ng sinasabing ‘handler’ nina Philip Medel at Mike Martinez ang akusasyon na siya ay nakipagsabwatan upang ipapatay si Blanca.

Pawang tsismis lamang aniya ang testimonya ng testigong si Pedro Pates Jr. na nagdadawit sa kanya at kay Rod Lauren Strunk.

Pinabulaanan din ni Kintanar ang inihaing testimonya ng testigong si Nilo Gonzaga na nakipagsabwatan siya kay Medel upang ipapatay ang aktres.

Nabatid na nalalapit na ang pagtatapos sa isinasagawang preliminary investigation laban sa mga bagong akusado sa Nida Blanca murder case na kinabibilangan nina Kintanar, Ditas at Elena dela Paz sa prosecution panel na pinamumunuan nina Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at mga miyembrong sina State Prosecutors Olivia Non at Melvin Abad.

Matatandaang dalawa lamang sa mga akusado ang kinasuhan ng DOJ sa Pasig Regional Trial Court (RTC). Ito’y sina Medel at Strunk na nadiin sa pamamaslang kay Blanca noong Nobyembre 2001 sa parking area ng Atlanta Centre sa Annapolis Greenhills sa San Juan, Metro Manila.

Si Medel ay nabasahan na ng sakdal at kasalukuyang nakapiit, habang si Strunk ay nasa Estados Unidos. (Grace Amargo-dela Cruz)

ANNAPOLIS GREENHILLS

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR RICHARD ANTHONY FADULLON

ATLANTA CENTRE

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

GENERAL GALILEO KINTANAR

GRACE AMARGO

KINTANAR

MEDEL

NIDA BLANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with