Akyat-bahay todas sa sekyu
November 5, 2005 | 12:00am
Hindi na nagawang makapanloob ng isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay matapos na mabaril ito ng isang security guard nang maaktuhan na umaakyat sa pader ng binabantayan nitong gusali, kamakalawa sa Paco, Manila.
Binaril sa mukha at naglagos sa ulo ng biktimang si Leonardo Nuyda, 28, ng Paco, Manila, habang kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang sekyu na si Eduardo Ignacio ng DBP Services Corporation sa Gil Puyat St., Makati City at residente ng New Bayanihan, Baesa, Quezon City
Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa ikalawang palapag ng Home Guarantee Corporation sa Safari Bldg. na matatagpuan sa Bldg. 3 Unit 7 sa Osmeña Highway, Paco, Manila.
Ayon sa naging salaysay ni Ignacio, nagsasagawa sila ng routine inspection nang makita nito si Nuyda na umaakyat sa likod ng gusali kaya agad niya itong sinita.
Sinabi nito na armado ng patalim si Nuyda kaya napilitan umano siyang paputukan ito upang ipagtanggol ang sarili nang tinangka siyang sugurin.
Upang patunayan na wala siyang kasalanan, kusang-loob na sumuko sa pulisya si Ignacio na posibleng maharap sa kasong homicide. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended